Malaya nga ba si Juan?

Hunyo 13, 2009 at 10:42 umaga 3 mga puna

Kahapon ay ipinagdiwang natin ang ika-111 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.  Subalit ang laging tanong ni Juan dela Cruz e kung tunay nga ba tayong malaya? 

Philippine FlagTama ang tinuran ni Punong Mahistrado Reynato Puno na walang saysay na ipagdiwang natin ng Araw ng Kalayaan sapagkat magulo ang ating inang bayan.

Malaya nga tayo sa mga banyagang sumakop sa atin subalit hindi naman tayo malaya sa mga kurakot na namamahala sa ating gobyerno. Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap.

Laganap pa rin ang paglabag sa karapatang-pantao sa ating lipunan. Ang sitwasyon ng ating bansa ngayon ay maihahalintulad sa isang bulkan na malapit ng sumabog.

Kaya naman sa susunod na eleksyon ngayong 2010 ay suriin nating mabuti at ihalal ang karapatdapat na mamuno sa ating pamahalaan upang sa gayon ay makamtan natin ang tunay na kalayaan.

Advertisements

Entry filed under: Bansa.

Charice: The Journey Begins Aamin kaya si John Lloyd?

3 mga puna Add your own

  • 1. rockwitralph  |  Hunyo 13, 2009 bandang 12:20 hapon

    Napakagandang tanung bagamat may malinaw ng kasagutan.

    Pinagagana ko ang aking imahinasyon kanina lang at dito iniisip ko kung ano kaya ang sasabihin ni Bonifacio, Rizal, Mabini at ng iba pa nating mga bayaning nagbuwis ng buhay kung sila’y mabibigyan ng pagkakataong manumbalik pansamantala at bisitahin ang Pilipinas.

    Sagutin
    • 2. Philmor  |  Hunyo 13, 2009 bandang 12:56 hapon

      Tama ka, kung mabibigyan sila ng pagkakataon na mabuhay muli sigurado ako magsusulat ulit ng panibagong aklat si Gat. Rizal upang ipamulat sa atin ang kabuktutan ng mga namamahala sa ating lipunan. At maghihimagsik ulit si Bonifacio upang supilin ang mga mapanlinlang na mga buwaya na nakapwesto sa kasalukuyan.

      Sagutin
  • 3. Breanna  |  Nobyembre 24, 2012 bandang 11:47 hapon

    guys ruffa is going to an awards ceremony, FAMAS yata. pero talaga ha importante talaga si KC sa pamilya gutierrez na kahit kulang na lang yung tiarra ay nagpunta talaga sa ukay ukay. by the way chard was outside manila for? his new TV show…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,808 Tagahanga

%d bloggers like this: