Charice: The Journey Begins

Hunyo 12, 2009 at 9:46 umaga 2 mga puna

Andito ngayon sa bansa ang 17-year old na si Charice upang maipromote ang kanyang nalalapit na solo concert sa SMX Convention Center ngayong darating na June 27, 2009. Ang naturang concert na tinawag na Charice: The Journey Begins ay reunion na rin sa  dati niyang mga kabatchmate  noon sa Little Big Star.

Charice

Charice

Tuwang-tuwa naman siya dahil matutupad na rin aniya ang isa sa kanyang mga pangarap na makaduet ang kanyang idolong si Regine Velasquez. Ang Songbird ang kanyang special guest sa naturang concert.

Samantala, iniintriga naman siya ngayon sa kanyang tunay na edad. May nagsasabing 22 years old na ito at hindi 17 years old. Tinawanan na lamang ang mga nang-iintriga sa kanya sa katunayan handa umano siyang ipakita ang kanyang birth certificate kung gusto nila ng katibayan.

Katulad nina Lea Salonga at ang Fil-Am na si Nicole Scherzinger ay pangarap  niya ring kumanta ng Lupang Hinirang sa susunod na  laban ni Manny Pacquiao. Isang malaking karangalan aniya kung matutuloy ito.

Balik Amerika na rin siya pagkatapos ng kanyang concert sa bansa  upang tapusin ang kanyang kauna-unahang international album sa ilalim ng Warner Bros. Records na produced ng legendary producer/composer  David Foster.

Advertisements

Entry filed under: Charice, Musika. Tags: , , , .

Kaso ng A H1N1 sa bansa tumaas! Malaya nga ba si Juan?

2 mga puna Add your own

  • 1. rockwitralph  |  Hunyo 12, 2009 bandang 12:36 hapon

    Ako boto na siya ang kumanta ng lupang hinirang sa laban ni Manny Pacquiao dahil para sa akin mas magandang tignan na isang PURONG PINOY ang aawit ng ating pambansang awit.

    Sagutin
    • 2. Philmor  |  Hunyo 13, 2009 bandang 1:10 hapon

      Ok lang naman sa akin kahit sino basta ‘wag lang bababuyin ang kanta. Pero mas ok si Charice kung siya ang kakanta dagdag exposure rin ‘yon sa kanyang career abroad. 😉

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,845 Tagahanga

%d bloggers like this: