Paraiso nga ba ang Maynila?

Hunyo 9, 2009 at 3:27 hapon 7 mga puna

Ewan ko ba ang dami-daming nakikipagsapalaran dito sa Maynila. Doon sa amin sa Davao kapag may kapitbahay kaming pupunta ng Maynila inggit na inggit kami.  Siyempre sa mga taga probinsya ang tingin nila sa Maynila ay isang napakagandang paraiso.

Manila

Manila

Dumating ang panahon na napadpad din ako rito sa Maynila at nabigla ako sa aking nakita. Namangha ako dahil ang tatayog ng mga gusali, malalaking mall, ang lalapad ng mga kalsada at napakarami pang mga bagay na ikinatuwa ko nang una kong masilayan ito.

Pero matatawag nga bang paraiso ang Maynila? Sa pananaw ng isang probinsyanong tulad ko ay hindi. Gaano man ka progresibo ang Maynila ay hindi mo mararamdamang paraiso ito.

Kung titingnan mo ang paligid, nagkalat ang mga basura sa kalsada, maraming mga eskwater, mataas ang crime rate, mahal ang mga bilihin, madumi ang hangin at marami pang ibang mga kabulukan na makikita mo dito.

Ang mga nabanggit ko ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit nasa ika-108 lang na pwesto ang lungsod ng Maynila sa bagong inilabas na resulta ng Economist Intelligence Unit’s liveability poll.

Ang naturang pulso ay pinangungunahan ng Vancouver bilang napakagandang lugar na pwede mong tirhan. Samantala kulelat naman ang siyudad ng Harare bilang pinakamahirap na lugar na pwede mong tirhan. Ang naturang pulso ay kinabibilangan ng 140 na mga bansa.

Advertisements

Entry filed under: Bansa. Tags: , , .

59 na website ginagapang ng NBI Bakla ako! – Adam Lambert

7 mga puna Add your own

  • 1. jason  |  Hunyo 9, 2009 bandang 3:37 hapon

    grabe

    ang usok…

    tuwing sasakay pa lang ako ng jeep,
    sangkaterbang poison clouds na
    tumatambay sa Baga ko…

    ano kaya itsura ng Harare?
    mahanap nga sa google

    Sagutin
    • 2. Philmor  |  Hunyo 9, 2009 bandang 5:56 hapon

      😆 ‘yan ang assignment mo kung anong itsura ng Harare.

      Sagutin
  • 3. rinaldetadase  |  Hunyo 9, 2009 bandang 6:38 hapon

    parang sa lahat ng blog nakikita ko si jason. hahaha

    pag pumapasok ako ng school dati bagong ligo syempre.
    malinis ang mukha ko sigurado..
    pagkatapos sumakay ng traysikel, jeep, bus at paa..
    pagdating ko sa room. pupunasan ko ng puting panyo ang malinis kong mukha..este marumi na pala.

    ung panyo parang pinang-karwash..

    Sagutin
    • 4. Philmor  |  Hunyo 9, 2009 bandang 7:21 hapon

      Friendly lang talaga si Jason kaya kahit saang blog mo siya nakikita. 😉

      ‘Yon nga kawawa ‘yong mga sumasakay ng ‘di naka aircon.. pagpasok mo sa skul o sa work baluga ka na dahil sa dumi ng usok. :lol

      Sagutin
  • 5. azul  |  Hunyo 10, 2009 bandang 10:26 umaga

    ganun naman talaga ee.sa mga probinsyano maganda ang maynila..sa mga manilenyo maganda sa probinsya..

    Sagutin
    • 6. Otakore Literantadodist  |  Hunyo 11, 2009 bandang 7:13 hapon

      Agree ako. Kapag Manilenyo ka nga magsasawa ka sa Maynila kasi subra usuk. Kapag iniisip mo sa Probinsya ang sarap langhapin ng hangin kasi hindi ganoon kakontiminado ng usok ang hangin sa probinsya at isa pa maraming puno kaya ang aliwalas.

      Sagutin
  • 7. BertieorBirdie  |  Enero 8, 2015 bandang 8:17 umaga

    Posts like this make the ineenrtt such a treasure trove

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,845 Tagahanga

%d bloggers like this: