59 na website ginagapang ng NBI

Hunyo 9, 2009 at 9:41 umaga 10 mga puna

Puspusan ngayon ang ginagawang pagsisiyasat  ng NBI para matukoy kung sino ang nagpakalat ng sex video  scandal nina Hayden Kho at Katrina Halili sa internet. Umaabot sa 59 na website sa internet ang ginagapang nila ngayon.

Hayden Kho

Hayden Kho

Sinabi ng isang impor­mante sa NBI na nakiki­pag-ugnayan sila sa may-ari o operator ng naturang website para matunton ang unang naglabas ng sex video sa internet.

Nagpapatulong din ang NBI  sa US-based website host upang mabuksan ang log system at matu­koy ang respon­sable sa initial na uploading sa pama­ma­gitan ng pagkuha ng IP address ng mga sangkot.

Kahapon ay hiniling ni Katrina sa Department of Justice na isama sa demandang una na niyang isinampa laban kay Kho ang dati nitong nobyang cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo at kaibigan nitong si Eric Chua at isang Her­bert Rosario dahil sa pa­niniwala ng aktres na may kinalaman ang tatlo sa pagkalat sa internet ng sex video na kinunan nang lingid sa kanyang kaalaman noong magka­relasyon pa sila ni Kho.

Advertisements

Entry filed under: Bansa, Showbiz. Tags: , , , , .

Say hello to Cherry Mobile Paraiso nga ba ang Maynila?

10 mga puna Add your own

  • 1. anakngpating  |  Hunyo 9, 2009 bandang 1:16 hapon

    naku ..sa sex video na katuon ang pansin nila hindi na lang sa mga mahahalaga at karapatdapat na busisiin ..
    nakaksawa na kaya yang issue na yan hehe..

    Sagutin
    • 2. Philmor  |  Hunyo 9, 2009 bandang 5:58 hapon

      naku, hayaan na lang natin sila dahil trabaho nila ‘yan. mas maigi ‘yan kesa naman ang mga pulitiko ang nakikisawsaw sa imbetigasyon. 😉

      Sagutin
  • 3. chevalierjessie  |  Hunyo 9, 2009 bandang 3:14 hapon

    Di ba nila alam na pede ipareset ang IP address sa internet provider sa isang tawag lang? ala na patutunguhan yang kaso nila. Yung kay Ted Failon nga ala rin nangyari.

    Sagutin
    • 4. Philmor  |  Hunyo 9, 2009 bandang 6:00 hapon

      Dapat nga ‘di nila binubulgar ang mga hakbang nila para ‘di mabulyaso.. antabayanan na lang natin ang susunod na kabanata. 😉

      Sagutin
  • 5. jason  |  Hunyo 9, 2009 bandang 3:39 hapon

    sayang lang oras nila sa paghahanap ng websites… kulang sa equipments ang mpilipinas..

    sa drug testing nga na ginawa di nila
    ma-afford yung para sa Buhok na Test…

    Sagutin
    • 6. Philmor  |  Hunyo 9, 2009 bandang 6:04 hapon

      Ewan ko ba d’yan sa namamahala sa NBI. Nakakahiya sa ibang bansa kung bano ang mga equipment nila. Kaya naman nilang pondohan kung tutuusin. Mayaman naman si Ate Glo pwede siyang magdonate ng hi-tech na equipment.

      Sagutin
  • 7. ALPRED  |  Hunyo 9, 2009 bandang 10:50 hapon

    WAG NYO NG HANAPIN KUNG SAAN O CNO NAGPALABAS ATLIS NAKILALA AT NALAMAN NATIN NA C KATRINA O LAHAT CLA AY GANUN O NAGAMIT NI KHO NA HINAHANGAAN NG MARAMI GANUN PALA SYA DI PA NYA ASAWA NAGPAPAGAMIT NA HEHEHEHEEHE ANG MANAPIN NYO NALANG O ANG BANTAYAN YUNG MGA AGENCY NA NANLOLOKO NG APLEKANTE PARA MAS MARAMI KAYUNG MATULONGAN YAN GINAWA NAMAN NILA YAN KAYA WAG NA NILANG ALAMIN KUNG CNUNG NAGLABAS…

    Sagutin
  • 8. yavinfour  |  Hunyo 10, 2009 bandang 1:09 umaga

    Hmm, basta hindi pa binubura ng mga ISP’s ang kanilang log ng mga IP Address eh magtatagumpay sila.

    Sagutin
  • 9. dhyoy  |  Hunyo 10, 2009 bandang 8:00 hapon

    hay naku e baket ba iyan ang inaatupag ng mga hinayupak na senador…

    ang daming mas makabuluhang bagay ang dapat atupagin…

    gaya na lang ng ilog pasig.. sino ang unang nagtapon ng basura dito… o diba mas mainam yun

    ahahahay… wala lang…

    ngkokomento lang

    Sagutin
  • 10. Watch Careless Whisper Scandal  |  Hulyo 23, 2009 bandang 7:19 hapon

    Ah ganun ba….buti na lang naremoved yung site ko…

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,808 Tagahanga

%d bloggers like this: