Ang pagbabalik ni Whitney Houston

Hunyo 8, 2009 at 5:28 hapon Mag-iwan ng puna

Marami sa mga tagahanga ni Whitney Houston ang nalungkot nang lumalam ang karir niya nitong huling dekada. Malaking epekto sa kanyang karir ang pagkalulong sa droga noon. Nagkaroon din siya ng problema sa kanyang buhay pag-ibig kaya naman mas lalo siyang na-depressed.

Whitney Houston

Whitney Houston

Noong isang taon ko pa narinig mula mismo kay David Foster  na babalik ang batikang singer at handa na muling pasayahin ang kanyang milyong-milyong tagahanga sa buong mundo.

Sa edad na 45 ay muli siyang  nagbabalik sa music scene na tinaguriang isa sa mga best-selling artists of all-time. Nito lamang Pebrero taong kasalukuyan ay dumalo siya sa pre-Grammy party  ng kanyang mentor na si Clive Davis. At lubos niyang pinahanga ang mga taong nanood sa oras na ‘yon.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ni Whitney ay ang I Will Always Love You, I Have Nothing, Run To You at marami pang iba.

Ayon sa Arista Records, ang pinakahihintay niyang album ay lalabas na ngayong September 01, 2009.  Pitong taon na hindi nakapagpalabas ng album si Whitney. Wala pang ibinigay na detalye ang pamunuan kung ano ang titulo ng kanyang bagong album.

Ang tanong ko na lamang e,  kasing init pa kaya tulad noon ang pagtanggap sa kanya ng publiko?

Advertisements

Entry filed under: Daigdig, Musika, Showbiz. Tags: , , , .

Sex video ni KC Concepcion, binabantayan! Say hello to Cherry Mobile

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,873 Tagahanga

%d bloggers like this: