Paalam Bill!

Hunyo 7, 2009 at 9:45 umaga 11 mga puna

Kung mahilig kayo manood ng Hollywood movies, sigurado ako alam nyo ang pelikulang KillBill na pinagbibidahan ni Uma Thurman. Hangang-hanga ako sa ipinamalas ni Uma sa pelikulang ‘yon. Naging hit ang pelikulang ito kaya naman nagkaroon ito ng part 2.

David Carradine

David Carradine

Ang pinaka-kontrabida mismo ng pelikula ay si Bill na ginagampanan ni David Carradine. Masasabi kong mahusay siyang aktor at dalang-dala niya ang karakter.

Kaya lang laking gulat ko kanina pagbukas ko ng YM bumungad sa akin ang balitang patay na ito. Namatay pala siya sa isang hotel sa Bangkok, may nagsasabing nag-suicide ito subalit ayon sa Thai Police aabutin pa ng apat na linggo bago matukoy kung ano ba talaga ang naging sanhi ng pagkamatay ng batikang aktor.  

May ginagawa pala siyang pelikula roon sa Thailand ang “Stretch’. Namatay siya sa edad na 72. Limang beses siya nag-asawa at ang panghuli ay noong 2004 at may dalawang anak na babae.  Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Advertisements

Entry filed under: Showbiz. Tags: , , .

Ayoko ng tumakbo – Lacson Sex video ni KC Concepcion, binabantayan!

11 mga puna Add your own

  • 1. jason  |  Hunyo 7, 2009 bandang 2:20 hapon

    aw,,,

    condolence sa pamilya nya
    at sa mga fans.

    sayang di pa k o nakakapanood ng killbill.
    pero naikukuwento naman
    sakin ang movie na to

    **If u have time pareng jason, panoorin mo kasi maganda ‘yong pelikula na ‘yon. Gusto ko ‘yong mga fight scenes. 😉

    Sagutin
    • 2. jason  |  Hunyo 7, 2009 bandang 9:26 hapon

      pero popular sa kin yung music nung fighting scenes.. naaalalako rin yung babaeng may piring sa isang mata..

      enge kopya. hahaha

      Sagutin
      • 3. Philmor  |  Hunyo 7, 2009 bandang 10:03 hapon

        yap, maganda din ang soundtract nun… nakakaadik nga yan e paulit-ulit kong pinanood ‘yan dati. Bili ka na lang sa Quiapo, ‘wag ka lang pahuhuli kay Edu. 😆

  • 4. blurosebluguy  |  Hunyo 7, 2009 bandang 3:04 hapon

    my condolences….ika nga nag-iwan sya ng marka sa industriyang kanyang ginalawan….mabuhay siya!

    ** Tama ka d’yan blu but ang sama lang talaga ng pagkamatay niya. Ganunpaman, sana masaya na siya sa kinaroroonan niya.

    Sagutin
  • 5. orphicpixel  |  Hunyo 7, 2009 bandang 5:22 hapon

    ayun paalam na nga talaga sa kanya

    **Di bale buhay pa rin ang ala-ala niya sa KillBill at Kung Fu movies. Tnx for dropping by

    Sagutin
  • 6. hisnameisdencios  |  Hunyo 7, 2009 bandang 7:09 hapon

    tsk tsk effective pa namang kontradiba yan hehe

    Sagutin
    • 7. Philmor  |  Hunyo 7, 2009 bandang 10:04 hapon

      napanood mo rin pala dencio? astig diba? 😉

      Sagutin
  • 8. rockwitralph  |  Hunyo 8, 2009 bandang 1:18 hapon

    Meroon siya dating TV series na KUNG-FU or SHAOLIN master ang role niya at dun ko siya hinangaan.

    Medyo nakakaduda ang pagkamatay niya dahil ayun din sa mga nakakakilala sa taong ito malayo daw na gawin ng aktor ang pagpapatiwakal dahil totoong bina-value nito ang buhay…

    Another Master past away…

    rest in peace

    Sagutin
    • 9. Philmor  |  Hunyo 8, 2009 bandang 1:45 hapon

      Sana nga rockwitralph mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Tnx for dropping by.

      Sagutin
  • 10. Jim  |  Hunyo 8, 2009 bandang 4:33 hapon

    sayang nga siya. Isa ako sa masugid na tagahanga niya nang una siyang lumabas sa Kung Fu. Sabi sa initial investigation, what happened to him might probably a sex act gone wrong. Kung ganun dapat panagutin yung pok pok na ‘di tumawag ng tulong nang mawalan siya ng malay. *sigh*

    Sagutin
    • 11. Philmor  |  Hunyo 8, 2009 bandang 6:14 hapon

      Yon nga ang sabi sa report na mukhang natigok dahil sa pakikipagtalik. Parang natatakot na tuloy akong makipagtalik ngayon.. Baka matigok ako bigla. 😆

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,808 Tagahanga

%d bloggers like this: