Sinong mas mayaman si Papi o si Pacman?

Hunyo 5, 2009 at 9:18 hapon 17 mga puna

Galing ako sa isang forum kanina at isa sa mga pinagtatalunan namin doon e kung sino ang mas mayaman si Manny Pacquiao o si Willie Revillame? Mukhang hati ang resulta ayon sa mga respondent.  Si Papi naman ang napili ko bilang kasagutan pero sa totoo lang ‘di ko alam kung gaano ba talaga kalaki ang kinikita nilang dalawa.

Willie Revillame

Willie Revillame

Unahin natin si ‘Papi’, napabalitang kumikita si Willie ng 1 milyon sa isang araw. Maaari, sa laki ba naman ng inaakyat niyang pera sa ABS-CBN dahil na rin sa mga sandamakmak na sponsors ng Wowowee. Marami ring sumusubaybay na mga Pinoy ‘di lamang sa ating bansa kundi maging sa ibayong dagat na abot ng TFC. Naging tourist destinations na nga ang Wowowee sa mga balikbayan nating mga kababayan.

Itinanghal din siya ng Yes magazine na ‘the most influential local celebrity’. Marami rin siyang mga properties nariyan ang dalawa niyang yate, mga mansion at mga luxury cars. At heto pa kasalukuyang itinatayo ang 14th storey building na pagmamay-ari niya sa harap ng ABS-CBN at ganundin naman ang magpapatayo rin niya ng Willie Theater Mall at doon aniya  gagawin ang Wowowee at Asap.  Hataw din ang kanyang album sa bentahan at ayon sa latest tally ng Odyssey nangunguna ito.

Manny Pacquiao

Manny Pacquiao

Bumaling naman tayo kay ‘Pacman’, dolyar na milyones ang kinikita ni Manny sa pagboboksing bukod pa sa mga endorsements niya kaya napabilang siya ngayon sa Forbes Celebrity 100. At syempre hindi lang pagboboksing ang pinasukan niya kundi pati na rin ang pag-aartista. Dagdag pa riyan e recording artist din siya.  😉

Pero kung may building na pinapatayo si Willie aba e papatalo ba naman si Manny? Syempre hindi dahil tuloy na tuloy na ang pagpapatayo niya ng hotel sa General Santos City na nagkakahalaga ng kalahating bilyong piso. Magtatayo din siya ng multi-million dollar integrated special economic zone dito pa rin sa kanyang probinsya. Syempre siya ang presidente ng kompanya at uupong director ang kanyang misis na si Jinkee.

Nakatira si Pacman sa isang multi-million peso mansion sa kanyang probinsya at may bahay din ‘yan sa Davao City. Bukod d’yan mayroon din siyang malaking farm sa Malungon, Sarangani. Nagmamay-ari din siya ng isang gasoline station at iba pang investments.

Wow, nalula ako doon ah. Ang hirap naman pumili sa kanilang dalawa. Sino sa tingin nyo ang pinakamayaman sa dalawa?

Advertisements

Entry filed under: Ekstra, Showbiz. Tags: , , , , , .

Pacman pasok sa Forbes Celebrity 100 Ayoko ng tumakbo – Lacson

17 mga puna Add your own

  • 1. jason  |  Hunyo 5, 2009 bandang 9:40 hapon

    tingin ko si papi. kasi per day tumatakbo metro nya.

    ewan ko…
    parang si manny kasi bukod sa boksing, ang dami nya ring endorsers…

    Sagutin
    • 2. Philmor  |  Hunyo 5, 2009 bandang 9:49 hapon

      Ang hirap timbangin di ba pareng jason? Pero tama ka parang metro ng taxi ang sahod ni Papi tumatakbo kada oras, at the end of the day may 1 million na kaagad siya.

      Pwera na lang kung kumikita ang mga investments ni Pacman kahit tumigil siya sa pagboboksing I’m sure malaki pa rin ang assets nya. Lalo na ngayon kung magiging congressman na ‘yan.. ahem 😉

      Sagutin
      • 3. Pokwang  |  Agosto 20, 2009 bandang 6:25 hapon

        Si Manny Pacman ang mas mayaman obvious naman. Billion pesos mahigit ang kinikita ni Pacman sa loob lang ng isang taon.

        Si Pacman isang laban lang nya ang kinikita nya at kita nya sa share nya sa pay per view eh mahigit 700 to 800 milyon pesos na. Eh sa isang taon ilang beses lumalaban si pacman? Mababa na dalawang laban sa isang taon minsan tatlo.

        Plus mo pa yung mga endorsements nya every laban nya, at TV rights na binabayad sa kanya like ng Solar Sports pag may mga laban sya, at saka yung Nike commercials nya sa US milyon dollars bayad dun ha, plus mo pa yung kinikita nya sa pag aartista at mga commercials dito sa pilipinas at mga businesses pa nya.

        Alam nyo yung kay Willie hindi totoo na 1 million a day sya. Sabi sabi lang naman yun. Itinanggi na rin nya yun. Alam nyo naman sa showbiz. Saka isa pa hindi sya nakalista sa Forbes. Kahit na ipagpalagay nyo na 1 million a day nga sya edi kumikita sya ng 27 milyon pesos(di ksama sunday) isang buwan so papatak na 324 million pesos a year kahit plus mo pa business nya di parin matataasan sa kita si Pacman.

  • 4. blurosebluguy  |  Hunyo 6, 2009 bandang 4:03 umaga

    mas mayaman si PACMAN…kasi nakalista sa Forbes…si Willie haka-haka lang…..

    ayaw lang talaga ni Papi sabihin kung magkano ang kinikita niya… but definitely milyonaryo sya. 😉

    Sagutin
  • 5. leslie  |  Hunyo 8, 2009 bandang 9:21 hapon

    mhirap nga nman icpin kong cnu sa knila ang mas mayaman..

    Sagutin
  • 6. leslie  |  Hunyo 8, 2009 bandang 9:23 hapon

    kau tingin nyo? hehehehe!

    Sagutin
    • 7. Philmor  |  Hunyo 8, 2009 bandang 9:31 hapon

      Ikaw nga tinatanong ko e. 😆

      Sagutin
  • 8. rrrrrr  |  Hunyo 16, 2009 bandang 11:58 hapon

    yung hotel ni pacman ay nagkakahalaga ng kalahating bilyong piso,

    Sagutin
  • 9. rrrrrr  |  Hunyo 16, 2009 bandang 11:59 hapon

    yung salungon,sarangani must be Malungon,Sarangani.

    sa kanilang dalawa,medyo nalilito ako kung sino ang mas mayaman sa kanila.

    Sagutin
    • 10. Philmor  |  Hunyo 17, 2009 bandang 12:55 hapon

      Salamat sa iyong tugon, hindi ko napansin ang milyon instead of billion. I guess kababayan mo si Pacman kaya kabisado mo yong lugar. Tnx for dropping by.. 😉

      Sagutin
  • 11. rey  |  Hunyo 19, 2009 bandang 6:12 hapon

    mas mayaman si pacman, naibalita lang kahapon na # 6 sya sa most highly paid athlete for the year 2008. He earned 40 million dollars at that year lang. Pero kung sabagay kung pagas2san lang ang labanan, mas gas2sero si pacman. Npakagas2s ng buhay ni manny, nariyan na ang pagiging sugarol nya, gastos nya sa charity nya, at mga sponsored sports activities nya back in GENSAN. Nabalitaan ko pa na $700,000 dollars worth of tickets ang pinamigay nya sa mga kaibigan nya para mkapanood ng laban nila ni dela hoya live in vegas. Engrande magpa-bday yan si manny, nung bday ng anak nya eh tig-iisang PS3 lang nman ang pinamaigay nya sa lahat ng mga invited na chikiting! wowowowow!!

    Sagutin
  • 12. rrrrrr  |  Hunyo 29, 2009 bandang 12:58 umaga

    @ Philmor bat mo alam na kababayan ko si pacman?lol yeah kababayan ko si manny,but im from davao..

    Sagutin
  • 13. kim  |  Agosto 18, 2009 bandang 9:33 hapon

    para sa akin c willie

    Sagutin
  • 14. Pokwang  |  Agosto 20, 2009 bandang 6:22 hapon

    Si Pacman ang mas mayaman obvious naman. Billion pesos mahigit ang kinikita ni Pacman sa loob lang ng isang taon.

    Si Pacman isang laban lang nya ang kinikita nya at kita nya sa share nya sa pay per view eh mahigit 700 to 800 milyon pesos na. Eh sa isang taon ilang beses lumalaban si pacman? Mababa na dalawang laban sa isang taon minsan tatlo.

    Plus mo pa yung mga endorsements nya every laban nya, at TV rights na binabayad sa kanya like ng Solar Sports pag may mga laban sya, at saka yung Nike commercials nya sa US milyon dollars bayad dun ha, plus mo pa yung kinikita nya sa pag aartista at mga commercials dito sa pilipinas at mga businesses pa nya.

    Alam nyo yung kay Willie hindi totoo na 1 million a day sya. Sabi sabi lang naman yun. Itinanggi na rin nya yun. Alam nyo naman sa showbiz. Saka isa pa hindi sya nakalista sa Forbes. Kahit na ipagpalagay nyo na 1 million a day nga sya edi kumikita sya ng 27 milyon pesos(di ksama sunday) isang buwan so papatak na 324 million pesos a year kahit plus mo pa business nya di parin matataasan sa kita si Pacman.

    Sagutin
    • 15. Lettice  |  Enero 6, 2015 bandang 3:16 hapon

      That takes us up to the next level. Great poingts.

      Sagutin
  • 16. nhai  |  Hunyo 29, 2010 bandang 12:16 umaga

    hmm .. ung pera ng dalawa n yan , kht pagsamahin nyo, mabibilang pa sa kamay , e ung sa tito vic and joey !!! ndi nyo ba tatanung ?

    Sagutin
  • 17. Cleo  |  Nobyembre 24, 2012 bandang 11:59 hapon

    saturday night live can? suck it!. . mad tv is the strongiest….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,824 Tagahanga

%d bloggers like this: