Pacman pasok sa Forbes Celebrity 100

Hunyo 5, 2009 at 7:07 umaga 8 mga puna

Patuloy sa pagbulusok ng tagumpay ng People’s Champ na si Manny Pacquiao dahil nasa listahan na rin siya ng Forbes Celebrity 100.

Si Pacquiao lang ang tanging Pilipino na naisama sa taunang listahan ng most powerful celebrities in the world ng maimpluwensiyang Forbes.

Manny Pacquiao

Manny Pacquiao

Napunta si Pacquiao sa ika-57 puwesto sa naturang listahan para sa taong 2009 na pinangunahan ni Angelina Jolie.

Niraranggo ng Celebrity 100 ang mga film at television actor, model, chef, athlete, at musician batay sa kanilang entertainment-related earning at media exposure.

Sa listahan ngayon ng Forbes, si Pacquiao lang ang tanging Filipino at boksingerong napasama rito. Naitala ang kinita niya na $40 million. Sa larangan ng natanggap na kita, nasa ika-36 na puwesto siya – sa exposure sa internet, 55th; sa press, 59th; at sa TV at radio exposure, 80th.

Kinonsidera ng Forbes ang naging laban ni Pacquiao kina Oscar de la Hoya at Ricky Hatton, ang kasikatan niya at impluwensiya bilang endorser at plano sa pulitika.

Sa hanay ng mga atleta, sinapawan ni Pacquiao ang ibang kilala sa sports tulad ng basketbolistang si Kevin Garnett, baseball icon Derek Jeter, tennis ace Serena Williams, Maria Sharapova, Venus Williams at Ana Ivanovic.

Halaw sa Philstar

Advertisements

Entry filed under: Palakasan. Tags: , , .

Cristine Reyes balik Kapuso? Sinong mas mayaman si Papi o si Pacman?

8 mga puna Add your own

  • 1. jason  |  Hunyo 5, 2009 bandang 8:05 umaga

    iba ka na manny!!
    humahanay ka na sa listahan nila angelina jolie

    Sagutin
  • 2. Nino Natividad  |  Hunyo 5, 2009 bandang 10:12 umaga

    Mabuhay ka, Pacman!

    Nino Natividad

    Sagutin
  • 3. dfish  |  Hunyo 5, 2009 bandang 2:40 hapon

    Another proud Pinoy moment, yehey…

    Sagutin
  • 4. kengkay  |  Hunyo 5, 2009 bandang 3:56 hapon

    agree ako kay dfish. yehey!

    Sagutin
  • 5. tuutuukii  |  Hunyo 5, 2009 bandang 4:46 hapon

    ang galing…
    whew~!

    sasasbihin ko sanang
    ang galing mo Kuya, parang sa newspaper ang dating.. ahahha
    dun din pala nakuha..

    buti nagbabasa din ako… 😉

    Sagutin
  • 6. Philmor  |  Hunyo 5, 2009 bandang 6:33 hapon

    @jason
    di na siya ma-reach ang layo na talaga ng narating niya.

    @nino
    tnx for dropping by.

    @dfish
    dapat magpaburger siya 😆 salamat sa pagbisita.

    @kengkay
    let’s celebrate.. i’m sure sikat din siya dyan sa Germany… 😉

    @tuutuukii
    magaling nman talaga ako e.. magaling mangopya.. 😆 actually, hiniram ko na lang para kumpleto ang detalye ang haba kasi e. 😉

    Sagutin
  • 7. blurosebluguy  |  Hunyo 5, 2009 bandang 8:35 hapon

    wow…iba na ang level ni pakyaw…..congrats na lang ….

    Sagutin
    • 8. Philmor  |  Hunyo 5, 2009 bandang 9:51 hapon

      magboksing na lang kaya tayo blu.. para yumaman din tayo 😆

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,824 Tagahanga

%d bloggers like this: