Weder-weder lang ‘yan!

Hunyo 4, 2009 at 10:41 umaga 4 mga puna

Ang buhay nga naman ng tao masyadong mahiwaga. Dati kaaway mo pero sa isang iglap magkaibigan na kayo. Minsan naman bespren kayo ngayon pero siya pala ang magiging mortal mong kaaway sa susunod na mga araw.

Manny at Ricky

Manny at Ricky

Ang tinutukoy ko e si Ricky Hatton, siguro naman natatandaan nyo pa siya. Siya lang naman ang pinatumba ni Manny ‘Pacman’ Pacquaio in two rounds sa laban nila noong nakalipas na buwan sa MGM Grand, Las Vegas.

Matanong nyo kung ano nga ba ang tungkol kay Hatton? E kasi ba naman magpapalit na pala ng coach itong boksingerong ito. At alam nyo ba kung sino ang napili niyang bagong coach? E  ‘di walang iba ang golden coach ni Pacman na si Freddie Roach. Ha! Bakit?

Bakit? Dahil ani Ricky kaya siya natalo sa laban ni Pacman ay dahil na rin sa coach niyang si Floyd Mayweather Sr. At ito naman ay sinalungat ng kanyang coach dahil si Ricky mismo ang hindi sumunod aniya  sa kanilang mga plano para maipanalo ang laban noon.

Ang akala ko pa naman e magreretiro na si Ricky Hatton sa kahihiyan na natamasa niya  nang siya’y matalo ng Pambansang Kamao. E di klasmeyt na pala sila ni Pacman kapag natuloy. 😆  Abangan na lang daw natin ang pormal na anunsyo sa pagpapalit niya ng coach “in the coming weeks”.

Advertisements

Entry filed under: Palakasan. Tags: , , , , , .

Ihi o buhok? Cristine Reyes balik Kapuso?

4 mga puna Add your own

  • 1. livingstain  |  Hunyo 4, 2009 bandang 1:05 hapon

    naku style lang yan ni hatton para maging commercial model ng San Miguel…

    ang panget lang, bakit after all kailangan pang magsisihan at magsiraan. hanubayan!

    Sagutin
  • 2. Philmor  |  Hunyo 4, 2009 bandang 1:41 hapon

    😆 e di tatlo na sila ni Morales na commercial model ng San Miguel beer… ganun talaga pag natalo sisi doon sisi dito.. tnx for dropping by livingstain. 😉

    Sagutin
  • 3. jason  |  Hunyo 7, 2009 bandang 6:40 hapon

    dalawa na silang magsasabing:

    “welah kang katowlad manny”

    pero kung pareho na sila ng coach??? di na sila pede maglaban?

    Sagutin
    • 4. Philmor  |  Hunyo 7, 2009 bandang 6:54 hapon

      Hindi na sila pwede maglaban.. Sabi ni Hatton, if u cannot beat him, join him! 😆

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,808 Tagahanga

%d bloggers like this: