Aljur Abrenica nangmolestiya ng bata?

Hunyo 3, 2009 at 3:16 hapon 21 mga puna

Ano ba naman niyan! Hindi pa nga tapos ang imbetigasyon sa kaso nina Hayden Kho at Katrina Halili heto at may humabol pa talaga. Pagkatapos nina Baron Geisler at Yasmien Kurdi may panibago na namang eskandalong nakahain.

Aljur Abrenica

Aljur Abrenica

Nahaharap sa reklamong acts of lasciviousness ang young actor na si Aljur Abrenica. Ang reklamo ay isinampa ng isang 13-year-old na dalagita sa National Bureau of Investigation (NBI) kanina, June 2. Ayon sa report ng 24 Oras kanina, nakasaad sa affidavit ng dalagita ang pambabastos diumano sa kanya ni Aljur, 19, noong Holy Week sa Puerto Galera, kung saan sila nagkakilala.

Ayon naman sa affidavit ng ina ng nagrereklamo, labis daw silang nasaktan sa mga batikos sa kanyang anak pagkatapos itinanggi noong una ni Aljur na kilala niya ang dalagita.

Nakatakdang i-subpoena si Aljur bukas, June 3, para bigyan siya ng pagkakataon na sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Wala pa naman daw natatanggap na kopya ng reklamo ang kampo ni Aljur. Pero tiniyak ng Artist Center, ang talent arm ng GMA-7 na nangangalaga sa career ni Aljur, na aalamin nila ang buong pangyayari. Pag nakatanggap daw sila ng kopya ng reklamo ay agad itong aaksyunan ng kanilang abogado.

“Dalawang araw po kami doon [sa Puerto Galera]. Kasama ko po ang barkada kong sina Moymoy Palaboy, at na-meet namin ang barkada nila [ng dalaga]. Ang alam nga namin, mga promodizer [promo girls] sila dahil may ibinebenta silang mga products doon. Dahil maliit lang naman ang Puerto Galera, sa two days na nandoon kami, lagi kaming nagkikita, barkada ko at barkada nila. Pero hanggang doon lang po ‘yon,” saad ni Aljur.

Itinanggi ng young actor na nagkagusto siya sa dalagita, na sa unang report ay sinasabing “15 years old.”

Kaugnay nito, may lumabas ding larawan sa isang tabloid ang dalagita kasama si Aljur, na nagpapatunay diumano na magkasama nga sila noon sa Puerto Galera.

Kinuha rin ang panig ng co-manager ni Aljur na si Rommel Gacho. Ngunit gaya ng report ng 24 Oras, sinabi nitong dapat ay sa GMA-7 o sa Artist Center manggaling ang statement at hindi sa kanya. Hindi pa rin daw nila pormal na natatanggap ang reklamo kaya hindi pa rin sila makapagbibigay ng statement.

Si Aljur ay produkto ng StarStruck Batch 4, kung saan itinanghal siyang Ultimate Hunk. Kasalukuyan siyang napapanood sa afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin? at sa musical-variety show na SOP.

Halaw sa PEP.

Advertisements

Entry filed under: Showbiz. Tags: , , .

Air France flight 447 nawawala! Ihi o buhok?

21 mga puna Add your own

  • 1. blurosebluguy  |  Hunyo 3, 2009 bandang 9:50 hapon

    wahahaah …di na matapos-tapos…. ang mga scandal na yan!

    Sagutin
    • 2. Philmor  |  Hunyo 3, 2009 bandang 10:28 hapon

      naku blu.. umpisa pa lang ‘yan 😆 marami pa ‘yang lalabas na eskandalo makikiuso baga 😉

      Sagutin
  • 3. tuutuukii  |  Hunyo 5, 2009 bandang 4:52 hapon

    talaga Kuya?
    meron pang lalabas?
    aabangan ko ung sayo..

    hahaha 😀

    Sagutin
  • 4. Philmor  |  Hunyo 5, 2009 bandang 6:24 hapon

    ay ‘wag tuutuukii for adults only lang yon sa akin.. baby ka pa e 😆

    Sagutin
  • 5. stormy  |  Hulyo 10, 2009 bandang 10:27 hapon

    parang mas na-iintriga ko dun sa next na lalabas about sayo^^

    Sagutin
  • 6. honey!  |  Hulyo 20, 2009 bandang 6:40 hapon

    Papa aljur kaya mo yan wag kang susuko ok. Love ka namin! And hnd kami nanniwla sa mga naninira sayo… We will support you!
    Im you’re no. 1 FAN…

    Lab yah!!!

    Sagutin
  • 7. JeyHuh  |  Agosto 14, 2009 bandang 1:11 hapon

    No wonder that this guy will have a sex scandal in the near future.

    Sagutin
  • 8. maryjoy  |  Oktubre 22, 2009 bandang 10:14 hapon

    kya moh yan
    kua aljur pogi
    moh eh kea
    hndi aman
    cguro 22o
    ung mga chizmix
    kabalen
    mi2ngat ka
    plagi ne
    idol da ka..

    tc alwayx

    Sagutin
  • 9. regine  |  Disyembre 1, 2009 bandang 9:09 umaga

    hai aljur idol kta since nsa starstruck ka plang ingat ka lge ikaw ang buhay q………….

    Sagutin
  • 10. regine  |  Disyembre 1, 2009 bandang 9:11 umaga

    hope mging succesful ang carrer mo………d2 kmi lge ng mga fans mo lgeng nkasuport sau lveu……….

    Sagutin
  • 11. regine  |  Disyembre 1, 2009 bandang 9:12 umaga

    sna mging kayo na tlaga ni kris

    Sagutin
  • 12. geralyn fabila  |  Enero 21, 2010 bandang 4:24 hapon

    cute mo tlaga,gudluck xa mga movies,ingat lage,muuah

    Sagutin
  • 13. aarole  |  Pebrero 1, 2010 bandang 7:52 hapon

    hi po musta na kau alam nyo po lagi ko po kaung pinapanood sa TV.heheh kasi as in sobrang gwapo mo aljur im so inb love with you.para akong hihimatayin sa kagwapuhan mo.

    Sagutin
  • 14. aarole  |  Pebrero 1, 2010 bandang 7:56 hapon

    ohh my god aljur sobrang talaga kita ba.fell ko mahal na talaga kita.jujuju.aljur im your big avid fan lagi moyan tatandaan ok love you mmwahh….hehe sana ako nlang si chris bernal kasi sobrang swerte nya 2u.love you again aljur.

    Sagutin
  • 15. kimvik  |  Marso 7, 2010 bandang 9:52 hapon

    ang gwapo mo at ang cute pa

    Sagutin
  • 16. danilo figueroa  |  Mayo 2, 2010 bandang 7:36 umaga

    wag nman kayong maghiwalay ni kris d ba love team kayo

    Sagutin
  • 17. deden  |  Hunyo 21, 2010 bandang 9:59 hapon

    ai nku kadamidaming isyu nd na b mgsasawa ang mga taong ganyan..? mga walang mgawa sa lyf nnla..y dnt they mind thre own business…tama ma?

    Sagutin
  • 18. REMARCH  |  Hulyo 4, 2010 bandang 2:36 hapon

    LOW PO GWAPO MOH HOW I WISH NA SANA WILL MEET IN PERSON…………WILL U????

    Sagutin
    • 19. Makalah  |  Enero 7, 2015 bandang 4:19 hapon

      Th’tas the best answer of all time! JMHO

      Sagutin
  • 20. marknhelson  |  Hulyo 8, 2010 bandang 8:03 hapon

    hi aljur ako ng pala c bacalando
    ah salamat ng pala sa pag punta ninyong
    dalawa ni kris bernal sa elementary school ha
    uy ang ganda nang palabas na the last prince
    sana meron pa kayo ulit na palabasni kris gandahan
    nyo ha bye bye

    Sagutin
  • 21. Briana  |  Nobyembre 25, 2012 bandang 1:06 umaga

    nx talaga sa pag upload ah…? kahit wala na sa tv. meron naman sa web! tnx tnx tnx talaga!!!!….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,808 Tagahanga

%d bloggers like this: