Air France flight 447 nawawala!

Hunyo 2, 2009 at 8:23 hapon 9 mga puna

Nakakalungkot na balita ang bumungad sa akin kanina, isang Air France flight AF 447    na may sakay na 228 katao ay kasalukuyang nawawala.

Ang naturang eroplano ay nawawala Lunes pa ng umaga makalipas ang apat na oras sa 11 oras na biyahe nito mula Rio de Janiero papuntang Paris sa kasagsagan ng bagyo.

Air France

Air France

Ang 216 na mga mga pasahero ay kinabibilangan 126 na lalaki, 82 na mga babae, 7 bata at isang sanggol. Mayroong 11 Pranses at isang Brasilyan na crew samantala galing naman sa 32 mga bansa ang mga pasahero kabilang na dito ang 61 mula Pransya, 58 mula sa Brasil at 26 mula naman sa Germany.

Abala ngayon ang mga awtoridad upang matunton at mailigtas kung may mga buhay pang pasahero. Hindi naman nagpahuli si US President Barack Obama sa handa nitong pagtulong kung kinakailangan.

Ayon sa awtoridad inaalam pa nila kung ano ba talaga ang nangyari kung ito ba ay tinamaan ng kidlat. Hindi rin nila inaalis ang posibilidad na na-hijack ang Airbus A330.

Ang tanong ko lang e kung bakit lumipad pa rin sila gayong alam naman nilang may bagyo? Dito sa ating bansa marami na ring bumagsak na eroplano dahil sa sama ng panahon. Himala na lang makakapagligtas sa mga pasahero sa trahedya na ‘yan.

Advertisements

Entry filed under: Daigdig. Tags: , , , .

Lipat Bahay Aljur Abrenica nangmolestiya ng bata?

9 mga puna Add your own

  • 1. Jorge  |  Hunyo 3, 2009 bandang 8:50 umaga

    Aba, pang balita pala itong bahay mo. Salamat sa pagdalaw sa bahay ko ha, salamat din sa tips ha.

    Sagutin
  • 2. Philmor  |  Hunyo 3, 2009 bandang 8:57 umaga

    No problem Jorge. Expect me to visit your bahay every now and then.. 😉

    Sagutin
  • 3. jason  |  Hunyo 3, 2009 bandang 9:15 umaga

    oo nga tama ka. tapos magtataka na lang sila bakit nagkaroon ng disgrasya…

    diba PREVENTION is better than CURE

    oi pareng philmor congrats mabilis lumago at manguna ang iyong bloghouse. more power!!

    Sagutin
    • 4. Philmor  |  Hunyo 3, 2009 bandang 9:23 umaga

      So sad, natagpuan na ang wreckage ng eroplano at sinasabing patay lahat ang mga pasahero 😦

      Pareng Jason, utang na loob ko sa inyong lahat kaya mabilis lumago ang bahay ko. 😉

      Sagutin
      • 5. jason  |  Hunyo 3, 2009 bandang 5:46 hapon

        WAHHH wala yun

        o diba sabi sayo magtiwala ka lang sa isang”Jasonhamster” hahah jok lang

        Keep It up !!!

  • 6. foobarph  |  Hunyo 3, 2009 bandang 9:59 umaga

    ganun talaga, business must go on, ikanga.

    Sagutin
    • 7. Philmor  |  Hunyo 3, 2009 bandang 3:00 hapon

      Ganun na nga lang ang gagawin nila. Back to normal after the tragedy…

      Salamat sa pagbisita foobarph 😉

      Sagutin
  • 8. Marlene  |  Hunyo 5, 2009 bandang 6:24 umaga

    Nakakatakot at nakakalungkot talaga ang balita na ito. Imagine, Airbus pa naman. At wala ring tech probs ang plane bago nag-take-off. Siguro aksidente lang talaga. Kaya ako takot sumakay ng eroplano diyan sa atin kapag may bagyo. 😦

    Sagutin
  • 9. Philmor  |  Hunyo 5, 2009 bandang 7:15 umaga

    naku mas maigi magbarko na lang atleast may salbabida diba 😉

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,873 Tagahanga

%d bloggers like this: