Hello Bing!

Hunyo 1, 2009 at 7:10 hapon 3 mga puna

Pasukan na naman kaya asahan niyong magpapatulong ang  kapatid mo o ‘di kaya ang kapitbahay mo tungkol sa kanilang asignatura. Lalo na’t kailangan mo pang saliksikin sa internet ang mga kasagutan.

Dati kapag mayroon akong dapat saliksikin sa internet punta kaagad ako sa Yahoo. Karamihan naman kasi sa internetcafe e Yahoo ang homepage kaya kapag kailangan mong magsearch doon na lang din.

Pero ang napapansin ko, parang kulang lagi ang nilalabas nilang impormasyon,  sa madaling salita wala doon sa inilabas nilang pagpipilian ang hinahanap mo.  Tapos may nagsabi sa akin na sa Google ko saliksikin. Ayon, nakita ko doon ang hinahanap ko.  Kumbaga mas kumpleto ang Google kaysa sa Yahoo.

Habang lumilipas ang panahon dumarami na rin ang search engine sa internet. Ang bago nga rito ay ang Bing, isang search engine na gawa mismo ng Microsoft. Mukhang handa na silang makikipagbasagan ng mukha sa Google, ang giant search engine.

Bing

Bing

Aminado naman ang Microsoft na hindi agad-agad sila kakagatin ng publiko dahil nakasanayan na rin ang Google kapag nagsasaliksik. Subalit anila, mas organisado ang kanilang search engine. At dagdag pa anila, pagagandahin pa nila lalo ang Bing habang tumatakbo ang panahon.

Sinubukan ko kanina ang Bing at nagulat ako aba’y napakaganda nga at organisado. Madali mong mahanap ang gusto mong hanapin.  Pero alam kong hindi papatalo ang Google sa bagong kakumpetensiya nila.

Teka, hindi naman kaya aaray nito ang Yahoo sa pagsulpot ni Bing? 😉

Advertisements

Entry filed under: Ekstra. Tags: , , .

Bisayang DJ Lipat Bahay

3 mga puna Add your own

  • 1. jason  |  Hunyo 1, 2009 bandang 8:23 hapon

    Bing

    ma subukan nga… kasi minsan nga sabog ang nilalabas ng google at yahoo.

    tnx

    Sagutin
  • 2. Philmor  |  Hunyo 1, 2009 bandang 9:10 hapon

    Nagagandahan ako kay Bing 😆 Seriously, mas gusto ko siya kesa sa Yahoo at Google kasi malamig sa mata at talagang organisado.

    Sagutin
  • 3. Marco  |  Hunyo 5, 2009 bandang 11:51 umaga

    attractive!

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,808 Tagahanga

%d bloggers like this: