Bisayang DJ

Hunyo 1, 2009 at 11:42 umaga 8 mga puna

Ang hirap talagang walang radyo sa paligid mo. Dito kasi sa pinapasukan ko e walang radyo kaya naman naboboring ako. E ang cellphone ko e wala rin namang FM Stations, ganun ako kapulubi. 😆

Yes Fm

Yes Fm

Pero dahil may computer na rin naman dito e sinubukan kong galugarin ang world wide web para maghanap ng local FM stations at presto napadpad ako sa e-radioportal. Kung saan pwede mong mapakinggan ang mga local FM stations sa pamamagitan ng live streaming.

Actually, noon pa man die-hard fan na talaga ako ng DWRR kasi Kapamilya ako. 😆 Pero nung sinubukan kung ilipat sa Yes FM 101.9 aba e, nagulat ako! Tama ba ang naririnig ko? Ang DJ ay nagbibisaya, siya ay walang iba kundi si Totoy Bato na mapapakinggan tuwing umaga.

Natatawa ako pag nagsasalita na siya ng Bisaya kasi naiintindihan ko ang mga banat niya. Oh well, sa mga ‘di nakakaalam e tubong Davao ako kaya marunong akong magbisaya bagamat matagal na ako rito sa Maynila. Kaya natutuwa ako at may Bisayang DJ na napapakinggan sa Metro Manila airwaves.

We’ll ofcourse, kung may natutuwa e meron din namang naiinis o pumupuna kay Totoy Bato sa pagbibisaya nito. E kasi nga naman hindi raw karapatdapat na nagbibisaya siya kasi andito siya sa Maynila at karamihan sa mga tagapakinig niya e mga purong Tagalog o di naman kaya taga-ibang probinsya na iba rin ang lengwahe. Hindi raw nila nasasakyan minsan ang joke nito kasi nga di nila naiintindihan so ang nakakasakay lang e mga kapwa Bisaya niya.

Ganunpaman, aminin man natin o hindi marami na ring mga Bisaya na nakikipagsapalaran dito sa Maynila kaya siguro inilagay ng management ng Yes FM si Totoy Bato sa pwesto na ‘yan. Pero ang importante e magaganda ang mga tinutugtog niya at marami siyang napapaligaya sa loob at sa labas ng bansa. Diba Inday? 😉

Advertisements

Entry filed under: Musika. Tags: , .

Kanino ka ba kakampi? Hello Bing!

8 mga puna Add your own

  • 1. jason  |  Hunyo 1, 2009 bandang 2:00 hapon

    Dalawa peborit kong stasyon..

    Una yung Love Radio. kasi nakakatawa yung mga advertisements o yung mga paningit.

    Pangalawa yung Energy F.M. Magaganda kanta dito. Hindi laging luma, hindi rin laging bago. Timplado.

    Sagutin
  • 2. Philmor  |  Hunyo 1, 2009 bandang 3:09 hapon

    Nakikinig din naman ako sa Love Radio lalo na ang tambalang balasubas at balahura.. ‘yon lang ang segment ko na gusto ko sa kanila.

    Sa Energy minsan napapadaan…

    Sagutin
  • 3. Marlene  |  Hunyo 3, 2009 bandang 4:20 umaga

    Mingaw jud kapag walang radyo sa trabaho, lalo kapag tahimik na klaseng trabaho. Wala ka nang makausap, wala ka pang naririnig, heheee!

    Taga-Davao diay ka ha. Taga-davao man sad ko. 🙂

    Sagutin
    • 4. Philmor  |  Hunyo 3, 2009 bandang 8:58 umaga

      Salamat sa imong pagbisita sa akong balay. Asa man ka dapit sa Davao? Ang amo kay sa Sasa dapit galing lang dia nako sa Cavite nagpuyo.

      Sagutin
  • 5. maria  |  Hunyo 3, 2009 bandang 12:40 hapon

    Wala namang masama sa pag dj ng isang bisaya. hindi ako bisaya pero minsan naiintindihan ko ang mga salita nila kase may pagkakahawig sa salitang bicolano. at tama ka jan, marami ng bisaya rito sa manila kaya nilagay marahil ng namumuno ng estasyon ang ganyang klaseng segmet. di ko pa siya naririnig kase wala akong radio sa work eh 🙂

    Sagutin
    • 6. Philmor  |  Hunyo 3, 2009 bandang 2:59 hapon

      Maria,
      Ah ok bicolana ka pala. Pakinggan mo siya minsan pag may free time ka usually 8-10am ang time slot niya e. May halong Tagalog naman ‘yong bisaya niya for the benefit of the other listeners.

      Sagutin
  • 7. Marlene  |  Hunyo 5, 2009 bandang 6:27 umaga

    Taga-Puan ko unya akong mga igsoon sa Maa, hehee!
    Naa diay ka dinha sa Cavite. Gibiyaan diay nimo na ang Davao ha. 🙂

    Sagutin
  • 8. Philmor  |  Hunyo 5, 2009 bandang 7:14 umaga

    Unsaon nanarbaho man gud ko diri unya dili naman sab ko kauli kay way pamiliti. 😆 pastilan… mahal naman gud ang pamiliti karon. dili man ko ganahan mo uli kung way dalang pasalubong. 😉

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,808 Tagahanga

%d bloggers like this: