Kanino ka ba kakampi?

Mayo 31, 2009 at 8:55 hapon Mag-iwan ng puna

Tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung kanino ba ako kakampi kay Hayden Kho o kay Katrina Halili? Kaya naman napaisip ako, kanino nga ba? Pero iisa lamang ang sagot ko sa kanila, wala!

Sa totoo lang wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa dahil pareho silang mali. Mali dahil pinasukan nila ang gusot na’yan tapos ngayon nandadamay pa.

Hayden Kho at Katrina Halili

Hayden Kho at Katrina Halili

Kay Katrina, unang-una sinabi niya na binaboy siya  ng doktor pero alam kaya niya na matagal na niyang binababoy ang sarili niya? Pumatol siya sa doktor na alam naman niyang kasintahan ito ni Dr. Vicki Belo nung panahon na ‘yon. Alam na alam ng publiko at lantad sa madla ang relasyong Belo at Kho pero nakikisawsaw pa rin siya. Nabulag aniya siya sa pagmamahal ni Hayden at sa mga matatamis na pananalita nito.

Ito namang si Hayden, ‘di ko malaman kung totoo nga bang may sakit siya sa utak kaya niya nagawa ang mga ito, ang pagvivideo sa mga nakatalik niya. Totoo nga naman kayang under the influence of drugs siya sa mga oras na’yon habang nagtatalik sila ni Katrina at nung iba pang mga nabiktima niya? Malamang naka drugs siya sa mga time na’yon dahil kinumpirma rin ito ng kanyang ina na kung hindi dahil kay Katrina e hindi nalulong sa droga ang  kanyang butihing  anak na doktor.

Daig pa ang mga top-rated teleserye na napapanood natin  ngayon sa kontrobersyang kinasasangkutan nilang dalawa. Habang tumatagal ay dumadami ang nabibiktima at dumarami ang nakikisawsaw.

‘Yon na nga dahil sa nalalapit na ang eleksyon ay todo-sawsaw ang mga pulitiko sa kontrobersyang ito. E alam mo naman halang ang mga kaluluwa ng mga TRAPO na ‘yan (Traditional Politician) para bumango ang kanilang mga pangalan. Anu-ano na nga ba ang nagawa nila habang nakaupo sila sa pwesto? Hindi nga ba’t karamihan sa kanila e nagbubutas lang ng silya?

Sa kabilang banda, sigurado ako maraming natutunan ang mga artista natin o ang mga prominenteng tao sa lipunan sa pagvivideo ng kanilang sexcapades. At sana naman maipasa na kaagad ang panukala tungkol sa sex video scandal na ‘yan para sa susunod ay may mapaparusahan na. Kawawa naman kasi ang mga inosenteng biktima.

Advertisements

Entry filed under: Showbiz. Tags: , , .

Note To God ni Charice, hataw sa US Billboard Bisayang DJ

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Kalendaryo

Mayo 2009
L L T M H B S
    Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Bagong Lathala

Tagahanga

  • 29,824 Tagahanga

%d bloggers like this: