Bakla ako! – Adam Lambert
Hunyo 10, 2009
Nitong huling season ng American Idol ay nawalan ako ng ganang manood. E kasi naman walang Pinoy ang nakapasok sa top 12 kaya minabuti ko ng ‘wag na lang manood.

Adam Lambert
Kaya lang may nabasa akong article tungkol dito sa lalaki na magaling daw kumanta at mukhang siya ang mananalo sa finale. Ang tinutukoy ko ay si Adam Lambert. Pinanood ko ang ilan sa mga performances niya. May boses siya totoo ‘yon kaya lamang hindi ko gusto ang pagpapa-falsetto niya. He sounds like gay to me tapos ang itsura niya hindi ko maipinta. Hindi kasi ako fanatic ng emo e.
Kaya naman marami ang nagsasabi na bading nga daw itong si Adam. Pero para sa mga fanatics niya ay hindi sila naniniwala or kung bading man daw siya e wala silang paki-alam basta magaling daw siya kumanta.
Marami ang nadismaya nang si Kris Allen ang itinanghal na kampeon sa patimpalak na ’yan pero ganunpaman, tuloy pa rin ang buhay ni Adam Lambert. At heto nga ang latest, umamin na siya na isa siyang bakla at crush pa nito si Kris Allen na ka roommate niya noong kasagsagan pa ng kumpetisyon.
Abangan ang buong detalye sa pag-amin niya sa bagong ilalabas na edition ng Rolling Stone magazine ngayong Miyerkules.
Entry Filed under: Daigdig, Musika, Showbiz. Mga Marka: Adam Lambert, American Idol, gay, Kris Allen, rolling Stone.
1 Comment Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed

1.
Nikko | Agosto 22, 2009 at 2:31 umaga
whoa!
wala akong news sa mga balita balita ngaun..
talaga nga palang umamin siya..