Say hello to Cherry Mobile
Hunyo 8, 2009
Sa totoo lang ang cellphone na ginagamit ko ngayon ay ’yong Sony Ericsson na T230. Matagal na ‘to sa akin mga dalawang taon na rin mula ng nabili ko ‘to. Ni hindi ko pa nga napapalitan ng bagong casing. Nanghinayang naman kasi ako dahil balak kong bumili ng bagong cellphone kaya mas maigi ng ‘wag bilhan ng bagong casing.

Cherry Mobile
Kaya lang nag-iisip ako kung anong cellphone ang bibilhin ko kasi dalawang sim card ang ginagamit ko. Naiinis ako kasi kailangan ko pang tanggalin ang isang sim bago ko magamit ang isa. Gusto ko ‘yong cellphone na bibilhin ko ay dual sim capable para isang salpakan na lang.
Mabuti na lamang at may bagong mobile player ngayon na lumabas na dual sim capable. Mura lang siya kasi gawang China at distributed locally by Cosmic Technologies Inc. Teka wala kayang halong melamine ito.
Just kidding!
Sabay nating salubungin at bigyan ng masigabong palakpakan, Cherry Mobile! Oy, ‘wag nyong iismolin ‘yan ang endorser niyan e bigtime si John Loyd Cruz lang naman at hindi ‘yong mga starlet d’yan sa tabi-tabi.
Kaya ngayon may pag-iipunan na akong cellphone mura lang naman e P6,000. Nyay!
Entry Filed under: Ekstra. Mga Marka: Cellphone, Cherry Mobile, Mobile.
6 Comments Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed

1.
jason | Hunyo 8, 2009 at 9:53 hapon
oo nga China galing….
baka nga may melanie.
6000.. di ko kaya yan..
hehe gusto kong mkitakung sino yungmga starlet sa tabi tabi na yan hehehe…
2.
Philmor | Hunyo 8, 2009 at 10:04 hapon
Sumama ka sa akin Pareng Jason para makita mo ang mga starlet na tinutukoy ko.
Oh my, mukhang ilang taon ang bubunuin ko para lang makabili niyan.
3.
Codewalkz | Agosto 18, 2009 at 3:58 hapon
Go CherryMobile d50. Superb :d
4.
joebacks | Agosto 27, 2009 at 5:48 hapon
nako. nakabili ako nang cherry mobile D20 na model, akalain mo ba naman eh 10sec lang ang video na mae-record.. anybody knows how to expand?
5.
xiemiac | Oktubre 1, 2009 at 5:20 hapon
guys. nakabili ako S11 ..nong una ok GPRS/MMS niya…ilang buwan lang di na nag-function
anyone there have a solution for the problem?
6.
janelle | Oktubre 12, 2009 at 1:27 umaga
can anyone inform me kng anu ung dimensionnung d20 n model?