Cristine Reyes balik Kapuso?
Hunyo 4, 2009
Naging kontrobersyal ang paglipat ni Cristine Reyes noon sa ABS-CBN mula sa bakuran ng GMA network. Dahil sa alingasngas ng kampo niya ay binitiwan na lamang siya ng Kapuso station at hinayaang lumipat sa Kapamilya.

Cristine Reyes
Nagagandahan ako kay Cristine, seksi at flawless pa. Kaya maraming pumapantasya sa kanyang alindog. Naging instant hit siya nang ipalabas sa Primetime ang kanyang Eva Fonda sa Kapamilya network kung saan siya ang bida. At marami ang nakapansin na nag-improved ang kanyang acting skills.
Pero matapos ang kanyang pamamayagpag sa Eva Fonda mukhang naging choosy na ito sa mga offer sa kanya ng Dos. Nariyan ang pagtanggi niya sa isang afternoon drama na pagbibidahan niya sana pero tinanggihan niya dahil aniya, marami na siyang tagahanga sa Primetime. Napabalita rin ang pagtanggi niya bilang kontrabida sa isang teleserye.
At ngayon nga, kinukuha siya ng Kapuso network para bumalik ulit sa kanilang bakuran. Nakatakdang makipagmiting ang manager niya sa mga ehekutibo ng naturang TV network sa susunod na mga araw.
Ang sabi ni Cristine inoperan siya ng Kapuso na maging kontrabida sa bagong teleserye nitong Rosalinda na pinagbibidahan ng bagong aktres na si Carla Abellana. Ito naman ay ikinatuwa niya dahil maganda naman daw aniya ang naturang teleserye.
Kung matutuloy ang pagbabalik Kapuso niya hindi ko na siya masisilayan ulit. E kasi naman solid Kapamilya ako. Teka ano naman kaya ang counter-offer ng Dos para di siya tuluyang umalis o hahayaan na lamang siyang lumayas?
Hindi kaya si Katrina Halili ang dahilan kaya kinukuha ulit ang serbisyo niya ng Kapuso? Hindi naman natin maiaalis na malaking impact sa karir ni Katrina ang eskandalong kinasasangkutan nito. Siya kaya ang papalit sa trono ni Katrina?
Entry Filed under: Showbiz. Mga Marka: Cristine Reyes, Kapamilya, Kapuso.
10 Comments Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed

1.
tuutuukii | Hunyo 5, 2009 at 4:49 hapon
hahaha…
siya ang kapalit ni Katrina Halili..
ang tanong Kuya Phil..
sino nag papalit ni Haydhen?
~~~~~
ang wala kong kwentang mag – iisip,..
2.
Philmor | Hunyo 5, 2009 at 6:19 hapon
pwede ako na lang ang papalit sa trono ni hayden?
magpapalki muna ako ng masol
wag naman sana siyang lumipat.. tulungan mo akong ipanalangin si Cristine tuutuukii.
3.
Ylen | Hunyo 6, 2009 at 11:03 umaga
go christine.lumipat kna..d ka bgay sa ABS-CBN.
sa GMA ka dapat kasi jan ka nadiskober..
starstruck alumna ka dba??kaya go sa siete ka nararapat.
grabeh nman un..wag nman snang pagsabungin cla ni katrina
kaci magkaibigan cla in real life nuh>…
Ay ‘wag gusto ko pa siyang masilayan sa Kapamilya e.
4.
secret | Hunyo 9, 2009 at 7:54 hapon
mas bagay kea cya sa abs kesa gma
5.
Krisalen | Hunyo 7, 2009 at 12:03 hapon
Palipat-lipat! Hwg ng tangkilikin..Tsk
**kung tuluyan na nga siyang lilipat bahala siya kung saan siya maligaya. tnx for dropping by.
6.
leslie | Hunyo 8, 2009 at 10:28 hapon
ay naku! bsta ako khit saan sya lumipat ok lng 2 network nman ang pinapanood ko eh..hehehehe! 2 xka 7..
7.
Philmor | Hunyo 9, 2009 at 11:13 umaga
Naks, palipat-lipat ka lang pala ng channel ah. Minsan nasilip din naman ako sa Kapuso pero die-hard Kapamilya talaga ako.
8.
amy | Hunyo 9, 2009 at 10:49 umaga
Bakit pa siya lumipat!!!!
Ang Ganda Ganda na ng Career niya sa ABS-CBN eh!
Ang dami niyang Main Role sa ABS pero sa GMA puro Extra Extra ….
Sa ABS CBN Merong siyang
The Bud Brothers
Banana Split: Season 2
tapos sa GMA puro naman siyang extra….
Kung Nasa ABS siya edi dapat nakikita pa rin siya Sa Precious Hearts Romances . . .
HAY NAKU……
9.
Philmor | Hunyo 9, 2009 at 11:11 umaga
Ewan ko ba d’yan kay CR! Kung tuuusin e di naman siya pinapabayaan ng ABS kaya nga lang wala siyang masyadong kaibigan. Mas at home kasi siya sa Kapuso kaya siguro gusto na niyang bumalik sa kabila.
10.
wala lang | Hulyo 25, 2009 at 2:52 umaga
OK lang na lumipat sya sa GMA kasi marami na ang nasirang karir sa DOS kasi sa KAPUSO talagang ok at isa pa marunong dapat lumingon sa pinangalingan kung walang” star struck walang Cristine Reyesa ngayon” saka inafareness maganda talaga mga show ng KAPUSO noh kesa sa dos puro korny..tsk.tsk.tsk